Monday , December 9 2024
Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa pagbabalik nila sa radyo sa TeleRadyo Serbisyo 630 DWPM (dating DZMM ng ABS-CBN)

Ayon kay Tyang Amy sa ginanap na thanksgiving press conference sa Seda Hotel noong Martes ng hapon, November 12, masaya sila dahil nakabalik na muli ang  TeleRadyo sa ere subalit may lungkot din dahil wala na ang mga dati nilang kasama  sa DZMM na nawalan ng trabaho simula nang matanggalan ng franchise ang network.

“Masaya na mayroon ding pressure. Nasa balikat naming lahat na nasa DWPM dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakaaahon ang programa, ang estasyon. 

“So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM. 

“Masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’”  pagbabahagi ni Tyang Amy. 

“Iyon ang pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakalilimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila. And salamat dahil alam namin kung gaano nila minahal ang estasyon, kung gaano sila ka-dedicated. ‘Yun din ‘yung mga inspirasyon na dala namin ngayon as we move forward with DWPM,” dagdag pa ni Tyang Amy.

Inamin naman ni Mareng Winnie na nahirapan siyang mag-adjust at umaasang makababalik ang dating DZMM.

Bittersweet especially if you think about these people whom you were with in the past. Personally, nahirapan akong mag-adjust jasi, 1997 to 2021, DZMM forever. 

“Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping that the old DZMM will come back,” wika pa ni Mareng Winnie bagamat alam niyang malabo nang mangyari ito.

 “We still remember the past that put smiles on our faces all the time. Pero siyempre, katulad ng usad ng panahon eh thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napipili. 

“Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasamahan namin noong araw pa,” sambit pa ni Mareng Winnie.  

Dalawa ang show ni Mareng Winnie sa TeleRadyo 630, ito ang public service program na Tatak Serbisyo na umeere simula Lunes hanggang Biyernews, 10:30 a.m. at ang Win Today tuwing Sabado, 10:00 a.m. Si Tyang Amy naman ay isang public service ukol sa mental health, ang Ako ‘To Tyang Amytuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 3:00 p.m.. Kasama rin si Tyang Amy sa ABS-CBN’s noontime program, ang It’s Showtime

At dahil public service ang show ni Mareng Winnie nais niyang ipahatid sa mga sangay ng gobyerno na hinihingan nila ng tulong na sana’y mapabilis ang pagtugon ng mga ito. Ramdam namin ang sakit at bigat sa dibdib kay Mareng Winnie na sa dami ng mga humihingi ng tulong sa kanyang programa, hindi niya agad naihahatid iyon. 

Sa kabilang banda, parehong artista sina Amy at Winnie bago pinasok ang radio broadcasting. Inamin nilang ibang fulfillment ang hatid ng radio sa kanila bagamat aminadong mas malaki ang kita sa pagiging artista.

“Wala sa bulsa ang fulfillment, nasa puso,” giit ni mareng Winnie.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

1st Golf Celebrity Tournament MMD MMFF

1st Golf Celebrity Tournament ng MMD/MMFF matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang kauna-unahang Celebrity Golf Tournament na proyekto ng  MMDA/MMFF na pinangunahan ni Chairman Romando Artes para sa …

Aicelle Santos Isang Himala

Aicelle Santos  minsan nang nakaranas ng himala

MATABILni John Fontanilla NANINIWALA ang mahusay na singer at dating Gigi ng Miss Saigon na si Aicelle Santos sa …

Yhanzy Blvck Music Louie Cristobal Grace Cristobal

Singer, rapper, songwriter Yhanzy may bagong digital album mula Blvck Music

KAHANGA-HANGA ang patuloy na pag-aambag ng Blvck Entertainment Production, Inc. at Blvck Music sa OPM Hip-hop scene dahil inilalabas …

Julia Montes Topakk

Julia napasabak sa labanan, takbuhan, at non-stop bardagulan

I-FLEXni Jun Nardo MASASAKSIHAN na ng manonood ang award-winning movie ng Nathan Studios na Topakk matapos ng ipalabas  sa …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …