Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jhong family muna bago work

HANGA kami kay Jhong Hilario. Binitiwan niya ang dalawa niyang show, ang It’s Showtime at Your Face Sounds Familiar alang-alang sa kanyang bagong silang na anak na si Sarina.

Family first muna para sa kanya. Natatakot siya na sa paglabas-labas niya ng bahay para mag-report sa It’s Showtime at YFSF ay makakuha siya ng  Covid at mahawaan ang kanyang panganay.

Sa pamamagitan ng Zoom video call with Luis Manzano, host ng YFSF, in-announce ni Jhong sa televiewers na hindi na siya mapapanood dito.

Sabi ni Jhong, ”Nakalulungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko munang magpaalam sa ‘Your Face Sounds Familiar.’ Mayroon kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata, hindi siya nakakapagsalita, eh.”

Ayon pa kay Jhong, may mga gabing hindi siya nakatutulog, dahil nahihirapan siya sa kanyang desisyon na iwan ang nasabing reality show na isa siya sa contestant.

“Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga ‘yung anak ko. Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa ‘yun dahil mahal ko siya.”

Sa narinig kay Jhong, sinabi ni Luis na naiintindihan niya ang naging desisyon ng TV host-comedian.

Sabi ni Luis kay Jhong, ”Naiintindihan namin iyon. Mahal ka namin and sabi nga natin, always family first. Kaya sa ngalan ng lahat ng kasamahan mo rito sa ‘Your,’ nalulungkot man kami na hindi man makasama ang isang Jhong Hilario, eh, naiintindihan namin. We wish you the best sa newest chapter ng iyong buhay. Good luck and we will see you soon, our Sample King Jhong Hilario.”

Bago matapos ang Zoom video call, pinasalamatan  ni Jhong ang management ng ABS-CBN sa pagpayag na iwan niya ang YFSF.

“Gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN management, ang ‘Your Face Sounds Familiar’ family dahil sa pag-iintindi nila na nagpaalam ako sa kanila and sinabi nila na yes, family first. Kaya maraming salamat po, Kapamilya. Maraming-maraming salamat po.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …