Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo ‘di lilimitahan ang anak sa socmed — Ipo-post ko ang anak ko, walang makapagdidiktang basher sa akin

ANG mga basher talaga, kahit baby pa at wala kamuwang-muwang sa mundo,  sinasabihan nila ng hindi maganda. Tulad ng anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi, seven-month old.

Nang i-post ni Carlo sa kanyang IG account ang pic nito, hindi ito pinalampas ng isang basher. Bukod sa sinabihan nito na isang tutang ina si Enola ay binantaan pa niya ito.

Ang nakababahalang mensahe ng basher tungkol sa panganay na anak ina Carlo at Trina: ”Ansarap mo namang patayin bata ka. Mukha kang tutang ina Anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo.”

Nang mabasa ito ni Carlo ay inalmahan niya ito nang husto.

Sabi ng aktor sa kanyang caption: ”full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito?Papano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod niyo para gawin ito? Worth it ba?”

Ini-repost naman ni Trina ang post ni Carlo sa kanyang account.

Sabi niya sa caption, ”Nakakagalit. mga ganitong klase ng basher mga salot kayo.Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pag mumukha niyo.”

Halatang galit sina Catlo at Trina kaya pinatulan nila ang basher ng kanilang panganay. In fairness naman kay Enola, maganda ito, hindi ito pangit ‘pag lumaki pa ito, siguradong lalabas pa ang ganda nito. Gwapo si Carlo at maganda si Trina, kaya saan pa ba ito magmamana ng hitsura ‘di ba?

Nag-text kami kay Carlo para tanungin kung idedemanda ba nila ang basher ni Enola? Ang reply niya sa amin, ”idedemanda namin kung may tutulong sa amin na ma-trace ‘yung hayop na ‘yun. May means naman para tumigil na itong pagkutya sa aming mga artista at sa mga batang walang kamuwang-muwang eh, pero hindi lang din kami tinutulungan ng sapat.”

Sa tanong namin namin na kung lilimitahan niya na ang pagpo-post ng picture ni Enola dahil sa banta rito, ang sagot niya, ”ipo-post at ipo-post ko ang anak ko dahil mahal ko siya at walang makapagdidiktang basher sa akin kung kailan at saan ko siya ipo-post.”

Tama nga naman si Carlo. Siyempre proud siya sa kanyang anak, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …