Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winwyn, shocked nang kuning bida sa Nelia

SI Winwyn Marquez ang pangunahing bida sa pelikulang Nelia mula sa A and Q Productions.

“Si Nelia, unpredictable siya. So ‘yung mga audience will keep questioning on her character kung protagonist ba siya. Antagonist ba siya? Anong mayroon sa ugali niya? You wouldn’t understand her kumbaga,” simulang sabi ni Winwyn tungkol sa kanyang role sa naganap na zoom story conference para sa  pelikula.

Patuloy niya, ”’Yun ang masaya kasi, the audience will have a roller coaster of emotions. Dahil lagi silang magku-question.Sino ba ‘yung masama rito at sino ba ‘yung mababait? Ano bang mangyayari? May crime ba? May sakit ba? Anong nangyari sa ospital? 

“It’s very challenging for me, kasi ngayon ko lang magagawa ‘yung ganitong genre. Kasi medyo suspense-thriller siya na may pagka,-horror pa. 

“I just hope I can give justice to the character. And I hope ‘yung mga tao will keep on questioning my character when they watch the movie. Roon mahu-hook sila kung ano ba mangyayari kay Nelia,” saad pa ni Winwyn.

Hindi maka­paniwala si Winwyn nang siya ang kunin para magbida sa Nelia.

“Sa­bi ko, ako ba talaga ‘yung kukunin nilang aktres? I was quite shocked! Noong ibinigay nila sa akin ‘yung script to read, I said yes agad. After the last page, sabi ko,I want to play that character. Hindi ako nagdalawang-isip. Never ko pa kasing nagawa ito,” aniya pa.

Ang Nelia ay ididirehe ni Lester Dimaranan at mula sa screenplay ni Atty Melanie Honey Quiño. Bukod kay Winwyn, kasama rin ditto sina Vin AbrenicaAli ForbesDexter Doria, Lloyd Samartino, Mon Confiado, Shido Roxas, at Raymond Bagatsing. 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …