Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Maricel Soriano
Sharon Cuneta Maricel Soriano

Maricel-Sharon movie sure hit

SOBRANG gusto ni Sharon Cuneta na gumawa na ng movie with Maricel Soriano. Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ay nanawagan siya sa Diamong Star na gumawa sila ng movie together.

Pero wala pang response si Maria.

Kung gugustuhin nina Maricel at Sharon na magsama sa pelikula, sino kaya ang magpo-produce, o sino ang interesado na gawan sila ng pelikula?

Parehong gumagawa ng movie ang dalawa sa Viva at Star Cinema. Sana isa man lang sa mga ito ang magkainteres na pagsamahin sila sa pelikula. Kung mangyayari ‘yun, sa tingin ko baka maging isang super hit ‘yun kapag naipalabas na.

Siyempre bagong putahe, bagong tambalan ‘di ba? At ‘yung publiko, tiyak panonoorin ang pelikula at pagkukomparahin ang acting ng dalawa kung sino ang mas lulutang.

Noong 80s, magkalaban sa popularity sina Maricel at Sharon. Ang una ang reyna ng Regal while ang huli naman ang reyna ng Viva. Sana noong time na sikat na sikat pa sila ay ginawan na sila ng movie kahit magkaiba ng film outfit. Talagang pag-uusapan ‘yun. Ewan nga ba bakit walang naglakas loob na pagsamahin sila noon sa pelikula.

‘Yung iba,siguradong sasabihin na baka hindi na kumita ang pelikulang pagsasamahan nila dahil hindi na sila ganoon kasikat. Pero gaya ng sabi ko, sure hit kapag nagsama ang Megastar at Diamond star sa isang pelikula. Sabik at interesado ang tao, lalo na ang kanikanilang fans na mapanood na umaarte sila together sa wide screen.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …