Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bank teller sugatan sa ‘lumusot’ na SUV (Salamin ng banko binunggo)

SUGATAN ang isang babaeng empleyado nang bumangga at dumeretso sa loob ng isang banko ang isang sport utility vehicle (SUV) na Mitsubishi Montero sa EDSA, sa lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong 8:05 am naganap ang insidente nang mata­pa­kan ng nagmamaneho na kinilalang si Dr. Esther Peralta ang accelerator ng kanyang sasakyan sa parking area ng Land Bank of the Philippines na matatagpuan sa northbound lane ng EDSA sa Brgy. Ramon Magsaysay.

Kinilala ang 44-anyos teller ng banko na si Aireem Marco, dinala sa East Avenue Medical Center.

Sa mga kuhang larawan sa pinangyarihan ng insidente, nabasag ng SUV ang glass wall ng banko na huminto sa harap ng teller counters ilang metro ang layo mula sa entrance ng Land Bank of the Philippines sa Congressional Ave.

Nabatid na nawasak din sa insidente ang isang ATM (automated teller machine).

Anang pulisya, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting damage to property with physical injuries ang driver ng SUV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …