Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NAGKARAMBOLA ang halos 15 sasakyan kabilang ang ilang motorsiklo sa Taft Avenue corner Ayala Boulevard, Ermita, Maynila dahil sa panonoro ng ‘tumatakas’ na nagmamaneho ng Honda Sedan, may plakang THI 328, kahapon ng hapon. (BONG SON)

15 sasakyan inararo ng Honda sedan 10 sugatan (Sa Maynila)

ISINUGOD sa iba’t ibang pagamutan ang sampung  indibidwal nang ararohin ng isang kotse nitong Miyerkoles ng hapon, sa Ermita, Maynila.

Sa ulat, 1:30 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Finance Road na umabot sa 15 sasakyan at motorsiklo ang napinsala.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement and Traffic Bureau, sinabing binalewala ng driver ng itim na Honda Sedan, may plakang THI 328 ang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau habang pinahihinto dahil sa paglabag sa trapiko.

Napag-alaman na nagpatuloy pa rin at pinaharurot ng suspek ang kanyang kotse kahit naka-red signal ang traffic light.

Sa kagustohang makatakas, inaararo ang ilan pang sasakyan kabilang ang mga motorsiklo.

Umabot ang habulan sa kanto ng Ayala Boulevard,  kung saan naaresto ng mga awtoridad ang suspek.

Sa naunang impormasyon, mayroon umanong nasagi ang suspek sa bahagi ng Pedro Gil St., na kanya rin tinakasan hanggang makarating sa Taft Avenue kanto ng Finance Road.

Ayon sa Traffic Bureau, iniradyo sa kanila ang insidente nang may masaging tao ang suspek sa United Nations Ave., at T.M. Kalaw Drive.

Nagpasaklolo ang tropa ng traffic sa Bureau of Fire volunteers upang habulin ang suspek ngunit nagtanggka pa rin tumakas kaya naararo pa ang ibang sasakyan hanggang masukol sa gawi ng Ayala Boulevard.

Habang isinusulat ang balitang ito inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at ng mga biktima na isinugod sa ospital upang lapatan ng kaukulang lunas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …