Saturday , November 16 2024

Calbayog mayor, 2 police escorts patay sa ambush

HINDI nakaligtas sa pana­nam­bang ng armadong kalalakihan ang alkalde ng Calbayog City, sa lalawigan ng Samar, at ang kanyang dalawang police escort nitong Lunes ng hapon, 8 Marso, sa Laboyao Bridge, Brgy. Lonoy, sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni P/Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapag­salita ng PRO-VII PNP, natanggap nila ang pau­nang ulat na  napaslang si Mayor Ronald Aquino at ang dalawa niyang kasa­mang pulis.

Kinompirma ni Calbayog City Administrator Rosario Gonzaga ang kamatayan ng alkalde, ayon sa Philippine Information Agency-Samar.

Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na patungo sa Brgy. Lonoy si Mayor Aquino at ang kanyang mga escort sakay ng puting Toyota Hi-Ace van nang paulanan ng bala ng armadong kalalakihang sakay ng dalawang sasakyan dakong 5:30 pm.

Nagawang makaganti ng mga biktima na nauwi sa palitan ng putok hanggang mapatay ang isa sa mga suspek.

Simula 9:00 pm nitong Lunes, ikinasa ng Calbayog ang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakadakip at pagtukoy sa pagka­kakilanlan ng mga nakatakas na suspek.

Taong 2011, napaslang din ang noo’y alkalde ng lungsod na si Reynaldo Uy ng mga hindi kilalang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *