Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

Preso nabaril sa dibdib tigbak bagitong parak sa hoyo bumagsak

HINDI lang dinis­armahan kundi tuluyang ipiniit ang isang bagong pulis sa lalawigan ng Aurora matapos mabaril at mapatay ang isang PDL (person deprived of liberty) nitong Sabado ng gabi, 6 Marso.

Ipinag-utos ni P/Col. Julius Lizardo, hepe ng Aurora PPO, na isailalim si Pat. Christian Torres, 27 anyos, sa restrictive custody sa himpilan ng pulisya ng bayan ng San Luis ayon sa direktiba ni B/Gen. Valeriano de Leon, direktor ng PRO3-PNP matapos ang insidente ng pamamaril kama­kala­wa ng gabi.

Sa ulat mula sa Camp Olivas, nagtungo si Torres sa harap ng selda na kinaroroonan ng biktima saka dinukot ang kanyang baril.

Anang imbestigador, sinimulang laruin ng suspek ang kanyang baril hanggang pumutok at tamaan ang isang inmate na kinilalang si Christian Gabral, 30 anyos, noon ay nanonood umano ng telebisyon.

Tinamaan si Gabral sa kanyang dibdib at idineklarang dead on arrival sa pagamutang pinagdalhan.

Nahaharap si Torres sa mga kasong kriminal at adminsitratibo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …