KINOMPIRMA ng kolumnista at dating sugo ng Filipinas sa China na si Ramon Tulfo na may nakapagpabakunang opisyal ng gobyerno kahit wala pang inaaprobahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa CoVid-19.
Mabigat ang rebelasyon ni Special Envoy to China Mon Tulfo sa kanyang mga kolum sa Manila Times noong 20 Pebrero 2021.
Mantakin nga naman ninyong, ang daming bansa sa buong mundo ang matatapos na sa pagbabakuna pero tayo sa Filipinas, pinagdedebatehan pa rin kung anong bakuna ang “the best.”
At sa kabila niyan, may mga opisyal na pala ng gobyerno ang nakapagpabakuna na.
Wattafak!
Inihayag din ni Mr. Tulfo na nagkaroon sila ng pribadong pag-uusap ni Pangulong Digong kasama si Sen. Lawrence Christopher “Bong” Go.
Hindi na raw makapaghintay ang Pangulo sa grabeng delay ng bakuna.
At mas gusto umano ng Pangulo ang Sinopharm vaccine. Best choice umano ito sa lahat ng CoVid-19 vaccines.
Aba kung masyado nang naiinip ang Pangulo lalo na ang sambayanan.
Kailan ba talaga darating ang bakuna? Ang sabi, darating na raw sa susunod na linggo?! Totoo kaya ito?
Noong wala pang bakuna, ang sabi ng Pangulo mayroong nakalaang pambili ng bakuna. E nagtataka ang mga tao, bakit wala pang bakuna?!
Nasaan ang bakuna?
Pero ang higit na importanteng tanong, ligtas ba ang bakuna?!
Tsk tsk tsk…
Dahil sa ipinakikitang ‘inconsistencies’ ng mga opisyal ng gobyerno, paano tayo maniniwalang ligtas o may epekto pa ba ang bakuna kapag dumatingsa bansa natin?
Baka mabaon lang tayo sa utang, tapos ang ibibigay sa ating bakuna e ‘yung mga wala nang bisa?!
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap