Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Pulis patay, 4 sugatan sa Isabela (4 sasakyan nagkarambola)

NAMATAY ang isang pulis, habang sugatan ang apat niyang kasamahan nang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang police mobile at ararohin ang tatlong iba pang sasakyan sa Brgy. Sinsayon, lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado ng hapon, 20 Pebrero.

Kinilala ang namatay na biktimang si Patrolman Archelle Duldulao na tumilapon mula sa kanilang sasakyan at nasagasaan ng paparating na isa pang sasakyan.

Sumalpok ang police mobile sa konkretong bakod ng Villa Ceferina Subdivision, na naging dahilan ng pagkakasugat ng driver na kinilalang si P/Cpl. Berna Austria, at mga pasaherong sina Patrolmen Pauline Carlos at Riza Mae Laureta, at P/Cpl. Kacelyn Tarayao — pawang mga miyembro ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Santiago City Police Office.

Sangkot sa karambola ng mga sasakyan sa naturang highway ang isang Isuzu MUX SUV na minamaneho ni Liza Santos-Pua ng bayan ng Alicia, atungong lungsod ng Santiago; isang tricycle na minamaneho ni John Eduard Molina ng Brgy. Turod Sur, sa bayan ng Cordon, at isang motor­siklong minamaneho ni Ivan Ray Sal, mula rin sa bayan ng Turod Sur.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …