Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian at Liza nagkaisa vs amusement tax

NAGKAISA nga raw sa ngayon ang magkalabang sina Vivian Velez at Liza Diño, na namumuno ng Film Academy of the Philipines at FDCP dahil sa kanilang panawagan na alisin na ang amusement tax na ipinapataw sa mga pelikulang Filipino. Kung iisipin, malaki na ang natapyas diyan sa amusement tax. Dati ay 30% iyan, at ngayon ibinaba na nga sa 10%. Iyan nga lang inaangalan na ng mga LGU.

Kung aalisin ang amusement tax, mawawalan na rin ng silbi ang MMFF sa industriya ng pelikula dahil ang nakukuhang rebate ng industriya at ibinibigay sa Mowelfund, FAP at iba pang beneficiaries ng festival ay mula sa amusement tax.  Itong nakaraang taon ewan nga kung may nakuha pa sila, dahil bukod sa bagsak ang festival, wala namang amusement tax dahil sa internet lang sila ipinalabas at wala namang sinehan.

Pero ang nakikita naming malakas na oposisyon diyan ay manggagaling sa mga local government units, at saka sa totoo lang kailangan ng gobyerno ngayon ng pondo dahil ubos na ang budget at marami pang utang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …