Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine kay John Lloyd — Oh my! Pangarap ko ‘yun! 

ISA si John Lloyd Cruz sa inaasam-asam na makatrabaho ni Janine Gutierrez nang lumipat siya sa ABS-CBN bukod kina Paulo AvelinoJC Santos, Carlos Aquino, Angelica Panganiban, Nadine Lustre, Liza Soberano, Angel Locsin at iba pa.

Nabanggit ito ng aktres sa nakaraang zoom mediacon para sa pelikulang Dito at Doon nila ni JC na mapapanood na sa Marso 17 sa mga sinehan na produced ng TBA Studios at idinirehe ni JB Habac.

Kuwento ni Janine nang banggitin ang pangalan ni JLC, ”Oh my! Pangarap ko ‘yun! I don’t even know if it’s possible. High school pa lang, pangarap ko ‘yun. So, yeah, why not!”

At dito inamin ni Janine na fan siya ni Lloydie na halos lahat ng pelikula nito ay napanood niya tulad ng One More Chance (3 installment), The Mistress kasama si Bea Alonzo at lahat ng pelikulang kasama si Sarah Geronimo na A Very Special Love series.

“Pati mga horror, pati Feng Shui.  Simula bata ako, pati ‘Hello, Love, Goodbye,’” saad pa ng dalaga.

Anyway, bukod kina Janine at JC, kasama rin sa Dito at Doon sina Yeshi Burce, Victor Anastacio, at Lotlot de Leon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …