Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek at Ellen nag-celebrate ng VDay 2geder

NALILITO ang publiko kung ano talaga ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil parating nasa bahay ng aktor ang aktres at nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14 ay kasama nito ang anak na si Elias.

Sabi ni Derek, magkaibigan lang sila ni Ellen pero hindi miaalis sa isipan ng lahat na baka may namumuong relasyon sa dalawa dahil nga bakit laging naroon ang aktres.

Ang Araw ng mga Puso ay ipinagdiriwang ng mga taong nagmamahalan kaya nga Valentine’s Day pero puwede rin naman ito para sa magkakaibigan kaya gusto naming isiping walang mapuntahan si Ellen dito sa Manila kaya lagi siya kina Derek. Sa Cebu kasi naka-base ang aktres kasama ang anak.

At kaya lang naman siya narito sa Maynila ay para sa taping ng sitcom nila ni John Estrada na John En Ellen sa TV5.

Anyway, si Derek mismo ang nag-post na kasama nilang pamilya si Ellen at Elias sa dinner sa kanyang IG story.

Naunang pumutok ang Derek at Ellen issue noong Enero na nagpunta rin sa bahay ng aktor ang aktres kasama ang aktor na si John na pareho nilang kaibigan.

Hanggang sa lagi nang nakikita si Ellen sa bahay ni Derek at magkasama rin sila sa Anilao, Batangas kasama ang ibang kaibigan nila.

Kaliwa’t kanan na ang mga espekulasyong baka mayroong something na ang dalawa at ayaw palang nilang umamin at ang worst ay may mga terminong ginamit na baka ‘tikiman’ lang sina Derek at Ellen.

Samantala sa isang panayam, inamin ni Derek na marami silang bagay na pinagkakasunduan ni Ellen, so baka rito nagsimulang kilalanin nila ang isa’t isa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …