Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PGH nakahanda na sa vaccine roll out

HANDA na ang Philippine General Hospital (PGH) sa roll out ng vaccination program para sa CoVid-19.

Sinabi ni Director Gap Legaspi sa media forum ng Department of Health (DOH) handa na ang lahat maliban sa low dead space syringe na aniya ay nahihirapan silang makahanap.

Pagdating aniya sa admin management anoang bakuna ang dumating ay handa na ang PGH.

Ayon kay Legaspi, isa sa ginawang paghahanda ng PGH ang simulation exercises para sa pagba­bakuna sa frontliners at gayondin ang malawa­kang vaccination rollout sa buong bansa.

Nasa 94 porsiyento aniya ang nagpakita ng suporta o kagustohan na magpabakuna sa kanilang health care workers.

Kasama sa mga babakunahan sa PGH ang mga empleyado tulad ng mga guwardiya at janitors na kasama sa unang babakunahan sa unang batch ng pagdating ng Pfizer vaccine kontra CoVid-19.

Hinikayat ni Legaspi ang publiko na magtiwala sa sistema ng nagpa­patakbo ng vaccination program dahil ang iniisip nila ay kapakanan ng publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …