Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

House leader duda sa Dito kung makasasabay sa ibang telcos

NANGANGAMBA ang chairman ng House committee on information and communications technology kung magagampanan ng third telco player ang papel nito na  makipagkompetensiya sa nangungunang giant network firms sa bansa.

Ayon kay Tarlac 2nd Dist. Rep. Victor Yap, kahanga-hanga ang pahayag ni Globe Telecom Inc., President and Chief Executive Officer (CEO) Ernes Cu na nakahanda ang pinamumunuan niyang kompanya sa pagpasok ng China-backed DITO Telecommunity Corp.

Kaya naman sinabi ng House panel chair na tinitingan niya kung magagawa ng consortium ni businessman Dennis Uy at ng China Telecommunications Corp., ang nasimulan ni business tycoon John Gokongwei Jr., ng Digitel Telecommunications Inc., na pagkakaroon ng mahigpit na kompetensiya, partikular sa pag-aalok ng dating Sun Cellular ng mababang service rates.

“Will Dennis Uy ignite price war like Gokongwei? Ernest Cu says Globe is ready for ‘aggression’ from DITO. We’ll see how they play the game,” pahayag ni Yap.

“(But) If there’s no true price war that happens, then, it’s what I feared a result of no real competition even with a third player,” dagdag ng Tarlac province lawmaker.

Pagbibigay-diin ni Yap, dapat matugunan ng DITO Telecom ang inaasam ng sambayanang Filipinp na pagkakaroon ng mobile communication at internet service provider na bukod sa mahusay ang serbisyo ay abot-kaya ang singil dahil kung hindi, walang katuturan ang pagkuha ng pamahalaan ng third telco player.

Hinggil naman sa pinupunang sobrang bagal na network rollout ng nasabing Filipino-Chinese telcom partnership, paalala ni Yap, kinakailangang mas maging agresibo ito at hindi na maatrasado pa ang pagsisimula ng kanilang operasyon.

“They should be aggressive given the demand for good services. We hope that it is not the usual permits and permissions making delays,” sabi ng kongresista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …