Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis may mensahe kay Gerald: Alagaan mo, ‘wag sasaktan, at wag lolokohin

SA interview ni Dennis Padilla sa DZRH, sinabi niya na hindi siya aware kung boyfriend na nga ba ng anak niyang si Julia Barretto si Gerald Anderson. Pero may mensahe siya na gustong iparating sa aktor.

“Gerald kung mahal mo naman ‘yung daughter ko eh alagaan mo lang siya. Huwag mo lang sasaktan at ‘wag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay! Kung saan masaya ang anak ko, roon ako,” sabi ni Dennis.

Patuloy niya, ”Ang pinaka-importante she’s a very responsible woman. Mayroon naman siyang sariling hanapbuhay. She’s an adult. Se’s already 23. So I’m sure alam naman niya kung ano ‘yung tama at mali. Basta ako, susuporta lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema.”

Sa tanong kay Dennis kung nag-open up ba sa kanya si Julia tungkol sa love life nito, ang sagot ng komedyante, ”Kapag hindi siya nagkukuwento, hindi naman ako nagtatanong. Kasi, siguro she wants to be private.

“Kung mag-o-open up siya, makikinig lang ako. Pero kung hindi man siya mag-open up, mag-a-antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin. Siyempre, kailangan naman nating respetuhin din ‘yung karapatan ng ating mga anak. Dahil personal naman nila iyon. 

“So I’m just here. I’m just a text away. Pagdating sa mga anak ko, mahal na mahal ko sila. Alam naman nila ‘yan.”

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …