Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinamalayan gov’t compound nasunog P10-M tayang pinsala (Sa Mindoro)

NAG-IWAN ng pinsala sa mga impraestrukturang tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon ang sunog na tumupok sa government compound ng bayan ng Pinamalayan, sa lalawigan ng Oriental Mindoro nitong Martes ng umaga, 9 Pebrero.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nag­simula ang sunog dakong 2:30 am sa tanggapan ng municipal treasurer sa lumang dalawang-palapag na gusali.

Inilinaw ni Senior Fire Officer 4 Benjamin Navarro, hepe ng Pinamalayan BFP, kontrolado na ang sunog bandang 5:20 am at tuluyanag naapula dakong 8:10 am.

Nahirapan ang mga nagrespondeng bombero sa pagpatay ng sunog sa unang palapag ng gusali dahil doon nakalagak ang mga dokumentong papel sa ikalawang palapag ng gusaling gawa sa kahoy.

Iniulat ng Municipal Risk Reduction Management Council na nailigtas ang mahaha­lagang dokumento gaya ng tax declaration at mga titulo ng lupa sa assessor’s office; ang database ng mga record sa Municipal Treasury Office; at mahahalagang record sa Engineering Office at Department of Trade and Industry.

Samantala, mayroong back-up na kopya ang mga dokumentong nasunog sa Bids and Awards Committee office.

Pansamantalang ililipat ang mga tanggapan ng mga sangay na apektado ng sunog.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …