Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine iba na ang celebration ng Vday

HAPPY si Sunshine Cruz, at sinabi niyang ok naman siya sa Valentine’s day sa Linggo. Hindi naman niya ikinakaila na ok ang love life niya sa ngayon, pero sabi nga niya, iba na ang celebration niya sa ngayon. Ang celebration nila kung sakali man ay family celebration.

“Hindi naman puwedeng hindi ko kasama ang mga anak ko. Sa ngayon basta may free time ako, gusto ko kasama ko ang mga anak ko. Mahirap ngayon eh, basta may trabaho kami naka-lockdown. Hindi kami nakakauwi ng bahay. Hindi kagaya noon na gabihin man kami sa shooting o taping, pagdating ko sa bahay ay naiche-check ko pa rin sila kahit na tulog na. Maaga pa rin akong gumigising para makausap sila bago pumasok sa school.

“Eh ngayon basta may trabaho ka, lock down nga at hindi ka makakauwi, kaya miss ko rin ang mga anak ko. Sanay kasi kami na laging magkakasama talaga eh. Kaya ngayon kung may free time ako, kahit na ano pa ang okasyon na iyan kailangan kasama ko mga anak ko,” pagkukuwento ni Sunshine.

Ano ba ang plano nila?

“Wala na kaming plano. Siguro kagaya lang ng madalas naming ginagawa na family affair lang. Kasama ko iyong mga anak ko, tapos si Macky (Mathay, bf) kasama rin ang mga anak niya. Kasi ganoon din naman ang sitwasyon niya. Sa dami ng kailangan niyang asikasuhin sa trabaho niya, bihira na rin niyang makasama ang mga anak niya. Kaya basta may chance isinasama niya.

“Hindi na siguro kami lalabas. Alam mo naman ngayon maraming restrictions dahil sa Covid at saka delikado rin naman talaga. Kaya pinaka-safe iyong sa bahay na lang kayo, at least sigurado ka sa environment, sigurado ka rin sa kung ano man ang kakaninin ninyo.

“Sa amin naman ok lang kahit na saan, ang mahalaga ay magkakasama nga kami, nagkikita-kita. Ganoon lang happy na kami eh. Mababaw lang naman ang kaligayahan namin,” sabi pa ni Sunshine.

Mayroon pa ba siyang wish na matanggap na Valentine’s gift?

“Naku wala na, hindi na ako teenager. Noong araw basta Valentine’s day, excited ako at hinuhulaan ko na agad kung anong gift ang ibibigay sa akin. Ngayon hindi na ganoon eh. Pabayaan na lang natin na iyong mga bata na lang ang ganoon,” ang nagtatawa pang sabi ni Sunshine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …