Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Baguhang actor walang pag-asang magka-acting career

NATAWA kami sa usapan ng ilang lehitimong kritiko, iyong mga “hindi bayad” ha. Sabi nila, mukha raw walang pag-asang magkaroon talaga ng isang acting career ang isang baguhan, dahil una, napakapangit ng pelikula niyon at wala naman talaga siyang nailabas na acting.

Iyong baguhang iyon, napansin lang naman daw dahil sa kanyang ginawang sex video, na pilit pa niyang idine-deny na siya nga. Pero sinasabi nga ng mga kritiko, baka mas ok pa na gumawa na lang siya ng porno at gumawa ng account sa “only fans” para siya kumita.

Medyo malupit ang kanilang comments, pero ang masasabi naman namin, iyong baguhan ay hindi nga mukhang artistang sisikat. Siguro naman kung supporting roles lang, at ang gagawin niya ay iyong papel na dating ginagawa ng mga SOS Daredevils, puwede na siya, pero bida malabo talaga.

Kawawa nga lang iyong bata, binigyan nila ng false hopes na sisikat siya dahil mahusay siyang artista, na ewan naman kung sasabihin nila kung hindi sila binabayaran para purihin ang mga iyon kahit na wala namang nakitang talent. Dito naman kasi sa atin, hindi dapat paniwalaan ang mas marami sa nababasa natin, dahil karamihan diyan ay “bayad.” (Ed de Leon)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …