Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Filipino community sa UAE nagluluksa para sa kapwa expat (PH embassy nangako ng hustisya sa OFW)

NAGLULUKSA ang higit isang milyong Filipino sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagkamatay ng isang Pinay na receptionist na naiulat na nawawala noon pang Marso 2020 at natagpuan ang kanyang labi noong isang buwan.

Bumaha sa social media ang mga panawa­gan ng hustisya, mga mensahe ng simpatya at pakikiramay para sa mga kaanak ni Mary Anne Daynolo, receptionist sa isang island resort na nabalitang nawawala noon pang 24 Marso 2020.

Ayon sa Philippine Embassy, ginagawa nila ang lahat upang matiyak na makuha ang kata­rungan para kay Daynolo.

Anang Embassy sa kanilang pahayag, natagpuan ang labi ni Daynolo ng mga pulis-UAE noong 19 Enero at nailipad pauwi ng Maynila noong Sabado, 30 Enero.

“The Embassy of the Philippines expressed deep sadness and extended condolences to the family of Ms. Mary Anne Daynolo,” ayon sa pahayag ng embahada na inilabas noong Lunes, 1 Pebrero.

Tiniyak ni Ambassador Hjayceelyn Quintana sa mga kaanak ng biktima na lahat ay gagawin nila upang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Daynolo.

Ayon sa mga awtoridad sa Abu Dhabi, inamin ng suspek na katrabaho ni Daynolo ang krimen at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

“The Philippine Embassy in Abu Dhabi is in close coordination with the family and the Abu Dhabi authorities on the ongoing criminal investigation surrounding the death of Ms. Daynolo,” ayon sa Embahada.

Nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng Embahada sa mga awtoridad ng UAE simula noong maiulat na nawawala si Daynolo noong Marso ng nakaraang taon. (Mula sa ulat ni JOJO DASS)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …