Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blended learning kaysa paglabas ng bahay pagtuunan (Isko sa mga bata)

KASABAY ng pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi muna papayagan ang mga bata na lumabas ng bahay umapela siya sa mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na makasabay sa hamon ng sistema ng kanilang pag-aaral gamit ang internet.

Ang pahayag ng alkalde ay bago bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng IATF na payagang lumabas ang may edad 10-14 anyos sa mga sakop ng MGCQ dahil sa banta ng UK variant ng CoVid-19.

Paliwanag ni Moreno, GCQ ang umiiral sa Metro Manila at batay sa datos nila, mga kabataan ang maraming tinatamaan ng sakit.

Sinabi ng alkalde, nais niyang maging normal ang lagay sa mga komunidad at mapausad na ang ekonomiya pero iisa lamang ang buhay at kapag ito ay nawala, mas hindi kayang tugunan ng gobyerno ang dalamhating hatid nito sa mga naulila.

May mga ibinigay aniyang gamit ang lungsod na makatutulong para malibang ang mga bata at matuto sa gitna ng pandemya.

Tiwala si Mayor Isko, sa mga susunod na buwan ay unti- unti nang bubuti ang sitwasyon lalo kapag umusad ang programang pagba­bakuna kontra CoVid-19 na isinusulong ng go­byerno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …