Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrabida, hihigitan ang Himala!

HINDI ikinakaila ng ngayon ay producer na sa kanyang Godfather Productions na si Joed Serrano na true-blue Noranian siya.

Kaya, nang magkaroon ng pagkakataong idulog sa kanya ni Direk Adolf Alix  Jr. ang iskrip ng Kontrabida intended for the Superstar Nora Aunor, hindi na nagdalawang-isip pa si Joed sa ihinaing istorya sa kanya ng direktor.

Idinaos ang storycon ng nasabing pelikula sa Annabel’s kasama na ang cast na kabibilangan nina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Bembol Roco, at mga baguhang sina Aicelle, Charles Nathan, at Ricky Gumera.

Ang Kontrabida ay mula sa iskrip ni Gerry Gracio.

Ayon kay Direk Adolf, composite ng istorya ng mga taga-industriya ang sasakyan ng bawat karakter.

First time na magiging kontrabida sa pelikula si Mama Guy. As in through and through kontrabida dahil ang papel niya ay kontrabida sa pelikula na may twists and turns na kukonekta sa karakter ng iba,” ayon sa kuwento ni Direk Adolf.

Samantala, Starstruck pa rin si Joed sa Superstar. At tuloy na tuloy na ang pagbubukas niya ng Superstar Restaurant.

It’s about time na magkaroon pa rin ng lugar ang memorabilia ng Superstar. Kasi, bukod sa nasa binuksan ng museum niya sa Bicol, marami pa ring memorabilia ang mga tagahanga niya na sa tingin ko, dapat na makita at ma-appreciate pa rin ng millennials ngayon. Ay! Naniniwala pa rin ako na it’s about time na igawad na rin sa kanya ang pagiging National Artist.”

Ngayon pa lang, inaabangan na ang makaka-sampalan ni Ate Guy sa mga eksena sa pelikula. Dahil kasama pa rin sa pelikula si Gladys Reyes.

Ang goal ni Joed, “Mahigitan ang ‘Himala.’ Sa trending and everything. Mag-trending. At lalo pang makilala sa buong daigdig ang ating Superstar!”

Gaya ng sabi ni Ate Guy, “Walang bida kung walang kontrabida! Pero kinakabahan pa rin ako sa mga makakasama ko!”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …