Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tricycle

Tricycles sa Malabon, Navotas balik-pasada na

INIANUNSIYO ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na magbabalik operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa CoVid-19 pandemic.

Aniya, ito’y matapos pirmahan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers.

“Para sa ating commuters at tricycle drivers mula sa lungsod ng Malabon at Navotas, good news po dahil pirmado na ang MOA sa pagitan ng dalawang lungsod na pinahihintulutan ang balik-operasyon at pamamasada ng mga tricycle drivers,” ani congresswoman Lacson-Noel.

Ayon sa kongresista, sadyang naapektohan ang napakaraming tricycle drivers at commuters mula sa dalawang magkapitbahay na lungsod nang ipagbawal ang pamamasada nito sa gitna ng CoVid-19 pandemic.

Bukod sa mas mapadadali ang biyahe ng mga manggagawa mula sa Malabon at Navotas, mag­babalik na rin ang kabuhayan ng tricyle drivers, ayon kay Congw. Jaye na hindi rin tumigil, ka-partner ang alkalde ng lungsod at ang kanyang lifetime-mate at m’yembro rin ng Kongreso, si An-Waray Party-list Rep. Bem Noel, sa pagbibigay ng ayuda at trabaho sa mga maralitang tagalungsod.

“Thank you sa ama ng ating lungsod Lenlen Oreta at ama ng Navotas Toby Tiangco! Patunay ito na kasunod ng ating pagkakaisa ay kaginhawaan para sa ating mga nasasakupan!” ani Congw. Jaye.

Sinabi ng mambabatas, sa ilalim ng MOA, mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampasadang tricycle units upang maayos silang makabiyahe.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …