Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vintage bomb natagpuan sa barangay hall (Sa Laoag City, Ilocos Norte)

NAREKOBER ng pulisya at mga residente ang isang vintage bomb na bahagyang nakabaon sa harap ng kanilang barangay hall, sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte, noong Lunes, 18 Enero.

Sa loob ng maraming taon, nagsilbing deko­rasyon ang bomba sa harapan ng barangay hall, ani Kapitan Jerry Alonzo ng Barangay 43-Cavit.

Ayon kay P/Lt. Col. Rafael Lero, hepe ng Laoag police, agad dinala sa kustodiya ng Ilocos Norte provincial police ang vintage bomb sa Explosive Ordnance Disposal Unit  (EODU) para sa kaukulang disposisyon.

Sa kabila ng pagiging vintage, puwede pang umanong sumabog ang general-purpose bomb na maaaring makapinsala sa malaking bahagi ng barangay.

Iniulat din ng mga opisyal ng barangay na may isa pang vintage bomb na ibinaon sa isa pang bahagi ng barangay hall.

Ani Lero, kailangan i-turnover sa mga awto­ridad ang pampasabog sa oras na hukayin ito ng mga opisyal ng barangay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …