Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inihaing batas nina Sotto at Santos, makaabot kaya sa plenaryo?

SINASABING 13 senador ang pabor sa panukalang batas ni Senate President Tito Sotto na muling bigyan ng 25 taong franchise ang ABS-CBN. Panay din ang pagbubunyi ng marami nang ihain ni Congresswoman Vilma Santos sa kamara ang isang panukalang batas na naglalayong buksan din ang ABS-CBN, at sinasabing kung iyon ay makaaabot sa plenaryo at hindi papatayin sa committee level gaya ng nangyari noong una, malamang na makalusot din naman iyan.

Pero malinaw ang sinabi ulit ni Presidente Digong. Hindi niya papayagang magbukas ang anumang kompanya kahit na may franchise pa kung hindi mababayaran ang lahat ng utang nila sa taxes. Walang binanggit si Presidente Digong na ang ABS-CBN iyon. Sinabi rin naman ng BIR noon pa na wala nang utang sa tax ang ABS-CBN, pero iginigiit ng ilan na gumamit ang ABS-CBN ng ilang ”legal na paraan para maiwasan ang pagbabayad ng mas malaking tax.” Katunayan, mas malaking tax daw ang binayaran ng GMA na mas maliit na ‘di hamak ang kinita kaysa ABS-CBN. Bakit nga naman ganoon? Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari.

Mas masaya sana kung mas maraming estasyon sa free tv. Marami ang naghahanap sa ABS-CBN.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …