PARA naman sa kaligtasan ng pamilya ng mga IO na dumu-duty sa mga paliparan, suggestion lang naman, bakit hindi magbigay ng directive ang POD na sumalang sa sanitizing booth or cubicle ang mga empleyado ng immigration bago lumabas ng airport?
Ito ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang pamilyang daratnan sa bahay.
Tingin nga natin mas okay sana kung i-require pa ang short shower after duty plus mag-provide ng mouthwash sa bawat isa upang kahit paano ay preventive measures din para sa kanila.
Bakit natin nasabi ito?
Hindi rin kasi kasiguruhan ang pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) upang hindi tamaan ng virus ang mga empleyado.
Ilan na ba ang nag-positive sa airport sa CoVid-19 kahit pa nga naka-PPE?
Gaano karaming pasahero ang nakakaharap ng mga IO lalo kung sa arrival ang duty nila?
Naturalmente nandiyan ‘yung mga kokontra na sasabihin na sila ay mapapasma dahil mainit raw sa katawan ang PPE.
Kaya nga kung ayaw nilang mag-shower, dumaan muna sila sa sanitizing booth or cubicle bago sila lumabas ng airport.
Gawing mandatory!
Siguro naman may budget ang Bureau para sa sanitizing booth na ‘yan sa tatlong terminal!?
Makababawas din ‘yan sa puntos ng contact tracing kung sakaling mahawa kayo sa ibang lugar kung saan kayo pupunta paglabas ninyo ng airport.
Sa ngayon ay hindi natin basta puwedeng balewalain ang simpleng pag-iingat lalo’t mga mahal sa buhay ang posibleng maaapektohan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap