Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vendors sa Baclaran-Pasay-Taft nagsulputang muli

REKLAMO ng mga nagbabayad ng buwis o mga negosyanteng nagbabayad ng kanilang buwis sa mga puwestong inookupa, tinatakpan ang kanilang mga puwesto ng illegal vendors, dahilan upang mawalan ng mamimili ang kanilang puwesto.

Partikular sa bahagi ng Taft Ave., sakop ng lungsod ng Pasay at boundary ng Baclaran. Hindi umano alintana ng mga nakapuwestong vendors na mayroon silang napeprehuwisyong legal merchants at hindi umano alintana ang pagsisikip ng kalsada.

Dati-rati ay naiayos na ito at malayang nakadaraan ang mga pribadong behikulo ngunit muli na namang sumisikip dahil naglipana ang illegal vendors na binigyan ng pagkakataong makapagtinda noong araw ng Kapaskuhan.

Hiling ng business taxpayers kay Parañaque city mayor Edwin Olivarez at Pasay city mayor Emi Calixto-Rubiano, aksiyon ang kailangan!

Nagsawalang kibo na lamang daw sila noong Christmas season at hindi sila kumita dahil nakahambalang ang vendors sa kanilang mga puwesto. Binatikos din ang mga tauhan ng MMDA ng mga negosyante na umano’y ay tumatanggap ng ‘tara’ kada puwesto ng illegal vendors.

Hirap baguhin ang sistema sa illegal vendors hangga’t may tumatanggap ng ‘tara’ kaya hindi nang illegal vendors! ‘Di naman naawa ang mga ‘yan na laging sinasabi, kaya pinagbibigyan.

Naawa sila sa kanilang bulsa kaya kailangan magkalaman! Hayyyy, buhay nga naman awang may bayad!

TINTED FACE SHIELDS BAWAL SA HOSPITALS

SARI-SARING disen­yo ng face shields ang ibinebenta sa market ngayon, maging sa online selling. Dapat kasi ayon sa mga doktor ng ospital ay natatakpan ang ilong mula nose bridge hanggang baba, at hindi ubra ang mga tinted na face shield, walang exhalation valves o butas dahil posibleng mahawa pa rin kung may nakatabi o kasalamuhang CoVid positive. Mas mainam pa rin na gumamit ng mga orihinal na N95 at surgical masks bilang protective equipment. Dahil noong una ay hindi aware mismo ang mga doktor dito kaya marami ang namatay.

Problema sa mga kababayan natin, hindi na nga epektibo ang mga face masks na gamit, nakababa pa sa kanilang baba at kung may face shields na suot,  ginagawang headband… pasaway!

Mas ibayong pag-iingat, mas lalong maraming pasaway. ‘Yan ang Pinoy!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …