Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Justin Dizon, na-evict dahil sa pagiging nega

KUNG dati naililigtas pa ng text votes ang mga ‘bully’ sa loob ng Bahay ni Kuya, iba na ngayon sa Pinoy Big Brother Connect dahil tsinu-tsugi na kaagad.

Ang housemate na si Justin Dizon na nilait ang kapwa housemate na si Jie-Ann Armero mula sa Saranggani dahil bihira itong maligo sa loob ng Bahay ni Kuya dahil hindi siya sanay ay umani ng maraming batikos sa netizens kahit na humingi na siya ng dispensa sa lahat.

Sa nakaraang first eviction night ay siya ang kauna-unahang evictee sa pinakabagong edisyon ng PBB na napapanood sa Kapamilya ChannelA2Z at sa napakaraming digital platforms ng ABS-CBN.

Nakakuha lang si Justin ng -2 percent ng kabuuang boto na ibig sabihin ay mas marami siyang nakuhang Votes to Evict kaysa Votes to Save. 

Oo nga, ayaw ng manonood o sumusubaybay ng Pinoy Big Brother Connect na nakakapanood sila ng negang tao sa loob ng bahay.


Aware naman si Justin dahil alam niya kung ano ang nagawa niyang kasalanan at ilang sablay sa loob ng PBB house.

Nang hingan siya ni PBB host na si Toni Gonzaga ng mensahe para sa lahat ng nagmamahal at sumuporta sa kanya, “Despite what transpired in the house, I just want to say that I kept it real because in the first place, I came here to be me.

“I came here to be honest. But of course I am not everyone’s cup of tea but that’s okay.

“Pero ang importante, nagpakatotoo ako. At babaunin ko lahat ng natutuhan ko kay Kuya pati sa housemates ko even in the outside world,” paliwanag ni Justin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …