KAHAPON ginanap ang virtual Parade of the Stars para sa 10 entries ng Metro Manila Film Festival 2020 sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang kanyang lungsod ang host para sa nasabing event.
Kasama ni Mayor Joy si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa paghampas ng Gong bilang hudyat na magsisimula na sa Biyernes, Disyembre 25 ang MMFF 20 at maaaring magpa-reserve na ng tickets sa UPSTREAM.ph na si direk Erik Matti ang creative partner nito.
Dahil sa Covid19 pandemic kaya virtual ang parade of the stars na ikinalungkot ng lahat ng tagasubaybay MMFF dahil hindi nila nakamayan at nakita ang mga artistang kasama ngayong festival tulad sa mga nakaraang taon na inaabangan nila sa Luneta Grand Stand ang pagtatapos nito.
Ang firs timers na sina Keann Johnson at Adrian Lindayag na bida sa BL movie na The Boy Foretold by the Stars kasama ang direktor nilang si Dolly Dulu na excited sanang sumakay ng float pero napalitan ito ng lungkot dahil sa pandemya ay hanggang virtual lang na kumaway-kaway sa harap ng TV camera sa isinagawang virtual mediacon handog ng MMFF.
Pero masayang-masaya ang Team The Boy Foretold by the Stars sa pangunguna ng Clever Minds producers dahil nakarating sa kanila na maganda ang ticket selling thru UPSTREAM.ph ng pelikula dahil maraming LGBT community ang nagpahayag ng suporta sa pelikula.
Nabanggit din na walang first-day, last-day sa ilang sinehang nagbukas para ma-accommodate ang sampung pelikulang kasali sa MMFF 2020.
At hindi rin dumaan sa MTRCB ang 10 pelikulang kasali dahil hindi ito saklaw since online streaming ito mapapanood.
Pero may self-regulation naman daw na gagawin na mapapanood sa UPSTREAM.ph.
Base sa paliwanag ni direk Erik, “Walang censorship ang online. In terms of ratings, siyempre MTRCB is not yet part of online. Pero we took it upon ourselves dito sa UPSTREAM, naisip lang namin na we don’t have any issues with any government agency, especially now that this is also a government project.
“We took it upon ourselves to do self-regulatory tags on each titles. So, if you go to the website of UPSTREAM, you see the title, you look at the info of the title.
“We don’t rate it PG, R-13. I don’t think we have the right to do that. So, ang ginawa lang namin is ‘slight drug use, partial nudity, extreme violence or expletives.”
Anyway, ang 10 entries sa MMFF 2020 ay ang Isa Pang Bahaghari, Pakboys: Takusa, The Boy Foretold by the Stars, The Missing, Suarez: The Healing Priest, Coming Home, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandang Itim, Tagpuan , Magikland, at Fan Girl. Ang lahat na ito ay mapapanood online streaming thru UPSTREAM PH sa halagang P250 at buong pamilya ay makakapanood na sa loob ng 24 hours ang bawat pelikula kaya puwede itong ulit-ulitin.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan