Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, imposibleng makapagretiro (In-demand pa rin kasi hanggang ngayon)

WALANG naniniwala na matutuloy ang sinasabing retirement ni Aga Muhlach sa susunod na taon. Ang sabi naman kasi niya ay kung hindi niya mababago ang kanyang sarili, kung hindi magiging fit ang kanyang pangangatawan, dahil naniniwala rin naman siyang ang isang artistang gaya niya ay dapat laging fit, laging maayos para hangaan ng kanilang  fans. Napuna rin naman ni Aga na bumibigat na nga ang kanyang timbang.

Pero may panahong tumaba na rin si Aga in the past, pero mabilis naman siyang nakabawi. Magagawa niya iyon basta talagang ginusto niya. Ang sinasabing isa pang punto, nakapagpundar na rin naman nang sapat si Aga para sa sarili niyang pamilya, at kahit na hindi na siya magtrabaho, puwede na. Kumikita rin naman ang mga negosyong pinasok niya. Kung iisipin, puwede na nga siyang mag-retire. Pero magagawa kaya niya iyon?

May mga nagsasabi ngang sa edad 51, mukhang bagets pa rin naman si Aga. Hindi nga ba may ginawa pa siyang isang commercial endorsement na ang binigyang diin ay iyong mukha pa rin siyang bagets kahit na may edad na? Aba eh totoo namang mas mukha pa siyang bata kaysa ibang artistang mas bata talaga kaysa kanya. Maalaga rin kasi si Aga sa kanyang katawan.

Marami pa rin naman ang kumukuha sa kanya, dahil hindi maikakailang isa siya sa mga artistang napakalakas pa ng batak sa takilya. Sooner or later magbubukas na rin naman ang mga sinehan at kailangan nila ang isang box office star na kagaya ni Aga.

Paano nga ba siyang makakapag-retire kung marami naman ang gustong kumuha sa kanya? Rito hindi patatahimikin ang isang artista hanggang hinahabol pa sila ng publiko.

Ang publiko ang siyang nagdidikta kung kailan makapagreretiro ang isang artista, at hindi sila. Iyong iba nga riyan nagpipilit pa eh pero wala ring magawa basta hindi na sila tinangkilik ng publiko.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …