Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Gerald, deny pa rin sa relasyon (Panay naman post ng kanilang adventure)

ANG pinag-uusapan na naman nila ngayon, bukod doon sa bakasyon sa private resort ni Gerald Anderson, kasama rin ng actor ang sinasabing syota na niyang si Julia Barretto na nag-mountain climbing sa Mt.Kulis sa Tanay, Rizal. Kumalat naman iyan dahil sa social media post na ginawa ni Julia mismo at ng kapatid ni Gerald. Napagkompara ng mga tao ang mga tanawin, at nalaman nila na iisang lugar nga iyon. Mayroon pang drone shot na nakita ang dalawang taong magka-akbay, at nag-match sa mga damit na suot nina Julia at Gerald batay sa ibang mga posts.

Nag-post din si Julia ng isang picture niya sa social media at ang napansin ng mga tao ay ang suot niyang kuwintas na ang palawit ay letter “G.”

Hindi rin namin alam kung ano ang gimmick at patuloy ang kanilang denial na magsyota nga silang dalawa, pero panay naman ang posts nila sa social media ng mga picture na nagbubuko sa tunay nilang relasyon, bukod pa nga sa nasabi ni Dennis Padilla noon na inamin ni Gerald sa kanya na nanliligaw iyon kay Julia. Talaga bang matindi pa rin ang takot nila na masabing totoong may nangyaring “ghosting”? Eh nangyari na iyon eh, bakit nga ba hindi pa nila panindigan?

Ang nakatatakot diyan, baka in the end, ang lumabas pa ay niloloko nila ang publiko dahil sa patuloy nilang denial sa kanilang relasyon. Baka sa halip na kiligin sa relasyon nila ang fans, mainis pa dahil matagal na rin naman silang nabobola.

Hindi na pinag-uusapan ngayon iyong ghosting eh. At saka alam naman ninyo sa showbusiness, nangyari na iyan eh, aminin na lang nila para makalimutan na. Habang hindi nila inaamin iyan mauungkat pa iyan nang mauungkat, at hindi maganda iyon para sa kanila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …