Thursday , December 26 2024

Makabayan solon tiwalang hindi sila paiimbestigahan sa Kamara ni Velasco

KOMPIYANSA si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig at hindi bibigay sa pressure si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa mga anti-communist group na nanawagan na imbestigahan ng House of Representatives ang Makabayan Bloc hinggil sa kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Ayon kay Gaite tiwala silang manatili ang “good judgement” ni Velasco sa isyu ng red tagging laban sa anim na miyembro ng Makabayan Bloc mula sa Gabriela Partylist, Kabataan Partylist, Act Teachers Partylist at Bayan Muna.

Aniya, sa isinagawang Senate hearing sa isyu ng red tagging ay nabigo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na magharap ng ebidensiyang magpapatunay na kaalyado sila ng CPP-NPA kaya naman kahit magsawa ng House Inquiry ay ganoon rin ang kahihinatnan.

“Clearly there is pressure on the House to join the communist witch hunt of the NTF-ELCAC, but we believe Speaker Velasco will remain judicious and will not allow the House to be used as venue for peddling baseless accusations against its members,” paliwanag ni Gaite.

Iginiit ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na walang batayan ang panawagang House Inquiry dahil pawang gawa-gawa lamang ang alegasyon laban sa kanila ng NTF-ELCAC na ang tunay na pakay ay matanggal sila bilang miyembro ng Kongreso.

Sa kabilang banda, nanindigan si League of Parents of the Philippines (LPP) Chair Remy Rosadio na hindi dapat sa mga kapwa mambabatas nakikinig si Velasco kundi sa boses ng nakararami, aniya, hanggang nananatili sa Kamara ang Makabayan Bloc ay patuloy na mas maraming kabataan ang marerekrut na sumanib sa NPA.

Binatikos ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan ang kawalang aksiyon ng Kamara sa kanilang panawagan na magkaroon ng isang House Inquiry, aniya, kanilang hiniling sa Senado na imbestigahan ang red-tagging na agad inaksiyonan kaya nakapagtatakag hindi ito kayang gawin ng Mababang Kapulungan gayong sila ang may hurisdiksiyon sa Makabayan Bloc.

Naniniwala si Labsan na malaki ang magagawa ng isang House Inquiry para malaman ang katotohanan sa ginagawang recruitment ng Makabayan Bloc sa mga kabataan para sumali sa communist group.

Sinabi ni Labsan, sa kabila ng ipinapakitang biases ni Velasco ay hindi pa rin sila titigil sa pagkalampag hanggang umaksiyon at gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan at iutos ang isang imbestigasyon laban sa progressive solons.

Samantala, aminado ang ilang mambabatas na tumangging magpabanggit ng pangalan na malabong mangyaring magkaroon ng imbestigasyon ang Kamara laban sa sarili nitong miyembro, bukod sa hindi pa umano ito nangyayari ay tali rin ang kamay ni Speaker Velasco dahil minsan na niyang naipagtanggol ang Makabayan Bloc sa isyu ng red tagging at pawang kaalyado rin niya sa Kamara.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *