Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, pinag-aagawan pa rin (Parang Aga at Richard lang)

ISA lang ang comment na narinig namin nang nagsimulang lumabas iyong isang special advertisement for Christmas ng isang relo na ginawa ni John Lloyd Cruz. Lahat sila ay nagsasabing “pogi talaga” si John Lloyd. Marami rin ang nakapansin na nagmukha pa siyang bata sa ngayon. Mukhang malaking bagay nga iyong nakapagbakasyon siya ng mahigit tatlong taon din, matapos magkaroon ng isang kontrobersiyal na relasyon at magka-anak kay Ellen Adarna.

Ang akala ng lahat noong una, talaga ngang iiwanan na ni John Lloyd ang showbusiness, dahil namuhay na siya bilang isang pribadong tao. Lumayo na sa Maynila at nanirahan sa Cebu. Nagpatayo na siya n g bahay sa Cebu at doon na naglagi. Mukha ngang talagang desidido na si John Lloyd sa isang pribadong buhay, pero ewan. Wala naman tayong nabalitaan kung bakit sila nagkahiwalay, basta humingi na lang si Ellen ng permanent protection order sa korte para hindi na sila malapitan ni John Lloyd. Hindi naman nag-react si John Lloyd, at mukhang naayos din naman ang problema dahil ngayon nakakasama na niya ang kanyang anak, pero hindi na sila nagsasama ni Ellen.

Ang magandang epekto naman niyan, mukhang unti-unti nga ay binabalikan na ni John Lloyd ang kanyang pagiging actor na tinalikuran niya ng tatlong taon. Aba kahit na sabihin ninyong tagilid ang showbusiness, mas malaki ang kikitain niya bilang artista kaysa ano mang negosyo, at iyang si John Lloyd ang pag-aagawan pa rin ng mga producer, sabihin mo mang nawala ng tatlong taon. Iba ang dating ni John Lloyd. Parang Aga Muhlach din iyan, o Richard Gomez na basta nagdesisyong mag-showbiz malakas pa rin ang following.

Ngayon may ginawa na siyang isang commercial, palagay namin simula na iyan. Makikita naman kasi niya na malakas pa rin ang kanyang dating. Palagay naming, iyon lang naman talaga ang hinihintay ni John Lloyd, iyong matiyak niya na ang pagbabalik-showbiz ay hindi masisilat.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …