MUNTIK malaglag ‘este nalaglag na nga pala sa kanyang kinauupuan ang isang maliit na negosyanteng nag-a-apply makakuha ng permit para sa kanyang negosyo sa Pasay City.
Ang kausap ng nasabing negosyante ay isang taga-City Hall. Ang sabi raw ng nasabing opisyal ng Pasay city hall, kailangan daw maghatag ng ‘komisyon’ ang applicant.
Medyo nabigla ang businessman/applicant pero dahil may karanasan siya sa burukrasyang tadtad ng red tape, pumayag siya sa ‘komisyon.’
Medyo nakahinga na rin siya nang maluwag pero mali pala ang kanyang akala dahil kailangan pa raw ng ‘goodwill money.’
Arayku!
At alam ba ninyo kung magkano? Wala raw kagatol-gatol na sinabi ng city hall official na P5 milyon!
Wattafak!
At doon nahulog sa upuan ‘yung aplikante.
Mantakin ninyo, hindi pa nagsisimula ang negosyo, e ‘naholdap’ na agad ng P5 milyon?!
Mukhang dumarami ang ‘reptiles’ sa Pasay. ‘Yung sa checkpoint sa dilim — butiking Pasay, dito naman sa city hall — buwaya sa katakawan sa kuwarta.
Tsk tsk tsk…
Kilala kaya sila ni Vice Mayor Boyet del Rosario?!
Ano sa palagay ninyo, Mayora Emi Calixto-Rubiano?!