Thursday , May 16 2024
nora aunor

TV show ni Nora, magrehistro kaya ng mataas na audience share?

MAY pelikulang kasali sa festival si Nora Aunor. Bukod diyan, may isang serye pa siyang tumatakbo sa telebisyon. Sa ganyang sitwasyon, masasabi mo ngang si Nora ay isang artista na may magandang exposure sa kabila ng pandemya. At iyong kanyang serye ay napapanood sa TV talaga ha, hindi kagaya niyong iba na sa internet lamang nakikita.

Ang hinihintay ng tao ngayon ay iyong impact ng performances ni Nora. Magre-rehistro ba ng mataas na audience share ang kanyang TV show? Gaano kataas ang kaya niyon? Magiging malaking hit ba ang kanyang pelikula sa festival? Gaano karami ang manonood niyon at gaano kalaki ang kikitain? Iyan ang hinihintay na impact ng kanyang performance, hindi na iyong awards o kung ano pa man. Maraming pagkakataon na nanalo si Nora ng awards maging sa abroad, pero ang mga pelikula ay lugmok sa takilya, wala ring impact.

Dapat kumilos ngayon ang kanyang fans. Kailangang maging high rating ang kanyang TV show. Kailangang kumita ang kanyang ginawang pelikula. Kung hindi, ano mang awards ang makuha niya, makalusot man siyang national artist sa pagkakataong ito, bale wala pa rin iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Award-winning aktor batid na may kapatid sa labas

I-FLEXni Jun Nardo MAY stepbrother pala sa ama ang isang sikat at award-winning aktor na pamisan-minsan ay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Male starlet may mga picture, video na hubo’t hubad na nasa pag-iingat ng baklang syota

HATAWANni Ed de Leon TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may …

KC nagpasalamat, nangako aalagan si Sharon

HATAWANni Ed de Leon KAHIT na sinabi ni Sharon Cuneta nang diretsahan na hindi sila nagkakasundo ng …

Kylie Padilla

Kylie inamin mahirap pagiging single mother

HATAWANni Ed de Leon MAY post si Kylie Padilla noong Mothers’ Day, kasama ang dalawa niyang anak. …

Dingdong Dantes Marian Rivera Kathryn Bernardo Alden Richards

Dingdong at Marian naisnab, naisahan

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG naisahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahit na sinasabing ang pelikula nilang Rewind ang highest …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *