ISANG advisory na pirmado mismo ni Bureau of Immigration (BI) Board of Discipline chief, Atty. Ronaldo P. Ledesma ang gumulantang sa buong Port Operations Division (POD) na mahigpit nitong ipinagbabawal ang pagpapalabas ng Tiktok videos sa hanay ng Immigration Officers na “on-duty.”
Sang-ayon umano sa Rule 3, Sec. 11 ng 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS), binibigyan ng babala ang mga empleyado tungkol sa tamang pagkilos (work ethics), uniform at paggamit ng gadgets (mobile phone, iPad, etc.) sa loob ng opisina at maging ang paggawa ng Tiktok videos sa oras ng trabaho.
Binigyan din ng emphasis bilang paalala ni Atty. RPL ang tungkol sa Article XI, Section 1 na ang mga public officers ay dapat magsilbi nang may katapatan sa publiko gayondin ang direktiba ng komisyoner sa tamang pagsusuot ng uniform at decorum.
Sa isang banda, tama ito kung ang layunin ni RPL ay sa ikaaayos ng dibisyon at ipamulat sa mga taga-POD ang madalas na ginagawa ng mga IO na nagti-Tiktok video habang nasa airport.
Hindi nga naman ito magandang asal lalo kung sila ay nasa opisina o maging sa immigration counters.
Actually, hindi lang Tiktok ang pinagkaka-abalahan ng mga ‘yan kundi maging ang paglalaro ng Mobile Legends na makailang-ulit na natin noon binanggit sa ating kolum.
Nagtataka lang tayo kung bakit “advisory” ang inilabas nitong hepe ng BOD imbes Note With Recommendation (NWR) para aprobahan ni Commissioner Morente.
‘Di ba mas karapat-dapat (proper) ito at hindi ang isang advisory na tila nagba-bypass sa hepe ng dibisyon (POD) na si Atty. Candy Tan?
Para kasing lumalabas na direktang babala sa (POD) ang tema ni RPL at ni pasintabi kay Atty. Candy ay wala?
For us, it’s quite offensive.
And lack of decorum.
Ano sa palagay ninyo, madlang pipol?