Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tekla, susustentuhan pa rin ang anak; Pamilya ni Michelle, kasali pa kaya?

NAGKAUSAP at nagkasundo na si Tekla at ang dati niyang live-in partner na si Michelle Banaag nang magtungo sa ospital ang komedyante nang dalhin doon si Angelo dahil sa pneumonia.

Maliwanag naman ang kasunduan. Mananatili sa pangangalaga ni Michelle ang bata, dahil ganoon din naman ang itinatakda ng batas na hindi ihihiwalay sa ina ang isang batang maliit pa, pero susustentuhan ni Tekla ang lahat ng pangangailangan niyon. May nagsasabing sa ganoong kasunduan, tiyak na ang sustento ni Tekla ay hindi lamang para sa kanyang anak at kay Michelle. Maaaring gaya rin ng dati na sa sustento niya aasa ang buong pamilya ni Michelle.

Pero ang lahat ng iyon ay naka-depende na rin kay Tekla dahil pumayag naman siya sa ganoong usapan eh. Iba na rin kung makikita niyang naaabuso na nga ang usapan nila at umangal siya pagkatapos. Pero si Tekla kasi, parang kahit na ano, payag siya maging matahimik na lang ang lahat. Tutal nagawa na rin naman niya iyon noong una, na sa kanya nakakarga lahat ang pamilya ni Michelle.

Iyon nga lang, hindi dapat mapabayaan ang kanyang anak. So far, ok na  naman ang kalagayan ng bata. Naalagaan naman iyon nang husto sa ospital at nagpapagaling na nga lang.

May mga kaibigan naman si Tekla na nagsasabing malakas ang suspetsa nila na gusto pa ring makipagbalikan ng komedyante sa dati niyang ka-live-in pagkatapos ng lahat ng naging kaguluhan nila sa buhay. Mukha ngang may pagtingin pa si Tekla sa dating live-in partner.

Kung saan pa man hahantong ang kanilang usapan ay wala na tayong pakialam. Personal na nilang buhay iyon at bahala na sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …