Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, tiyak na ang pagbabalik-showbiz

NAKITA namin ang mga picture ng sinasabing naging bonding nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Mukha ngang matutuloy na ang kanilang gagawing project at sa totoo lang naman, pareho nilang kailangan ang ganoong bakasyon. Matindi ang pinagdaanang controversy ni Bea na may kinalaman sa kanyang lovelife. Matindi rin naman ang nangyari sa love life ni John Lloyd. Isipin ninyong tinalikuan ni John Lloyd pati na ang kanyang career at naghandang mamuhay ng  simple sa isang lugar na ni hindi niya kabisado. Tapos nauwi rin naman ang lahat sa hiwalayan.

Kaya nga nakatutuwa na nagsisimula nang makipag-bonding na ganyan si John Lloyd sa mga kaibigan niyang artista, ibig sabihin talagang seryoso na siyang balikan ang kanyang career. Dapat lang namang balikan ni John Lloyd ang kanyang career. Sabihin mo mang naging wise siya noong una pa man sa paghawak ng kanyang pera, at hindi na siya maghihirap ano man ang mangyaring kasunod. Aba eh bata pa si John Lloyd, at marami pang fans ang naghihintay sa kanya. Pababayaan ba niyang ganoon na lang ang potentials niyang mas mapabuti pa ang kanyang kinabukasan?

Noong magbakasyon si John Lloyd, nagkaroon ng vacuum sa industriya. Walang nakapalit sa mga ginagawa niyang roles. May sumikat na mga bagong artista, pero nagkaroon ng void dahil mga bata pa iyon at hindi pa nababagay sa mga seryosong love stories na ginagawa ni John Lloyd.

Kaya nga hinahanap siya ng fans niya hanggang ngayon. Kahit na anong balita. Makita lang siyang bumibili ng fish ball o kumakain ng balot sa tabing kalye, naka-abang ang kanyang fans. Kasi nga hinahanap pa rin nila siya sa mga pelikula at maging sa telebisyon.

Ngayon, mas lumilinaw na ang sinasabing pagbabalik showbiz ni John Lloyd at sa totoo lang mas marami ang natutuwa sa balitang iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …