Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DepEd, hugas-kamay sa body shaming kay Angel

NAG-APOLOGISE na ang DepEd kay Angel Locsin, dahil sa body shaming na ginawa sa kanya sa isang learning module na nagsasabing siya ay “obese” o kung isasalin sa Tagalog ay “napakataba.” Binanggit pang si Angel kasi ay walang ginawa kundi kumain sa isang fast food chain, at tapos ay nakaupo lamang sa bahay at nanonood ng telebisyon.

Pero hindi rin nagustuhan ni Angel ang tono ng apology ng DepEd. Kasi ang opisyal ng ahensiya na sumulat sa kanya ay mabilis na “naghugas kamay” sa pagsasabing wala silang kinalaman sa mga bagay na iyon at kagagawan lamang ng isang teacher na gumawa niyon. Wala rin naman silang sinabi kung may disciplinary measure bang gagawin sa teacher na parang nagtuturo pa sa mga bata na manlait ng kanilang kapwa.

Kami man natawa na lang sa ginawang apology ng DepEd. Hindi ba ang learning module rin nila ang pinagtawanan ni Lea Salonga dahil iyong drawing na owl ay nilagyan ng caption na ostrich. Tapos may linya pang “I is for rabbit”. Wala nang nasabi si Lea kundi “que horror.” Pero walang ginawa ang DepEd, kasi hindi rin nila alam kung sino ang gumawa ng module. Aba kung ganoon nga eh bakit may DepEd pa? Para lang ba bumili ng hamon at queso de bola na nagkakahalaga ng P4.2-M para sa kanilang Christmas sa kanilang sarili?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …