Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, umiiwas mapolitika at matsismis (Tulong sa Cagayan, idadaan na lang sa charitable institution)

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Sunshine Cruz“Talagang naiyak ako noong makita ko iyong video ng baha. Kawawa ang mga tao sa Cagayan,” sabi ni Sunshine. Iyon ang dahilan kung bakit on her own, gusto niyang humingi ng tulong sa ibang mga tao para makapagpadala ng tulong sa Cagayan.

“Pero hindi ko naman iyon maasikaso mag-isa. Wala akong ability na maipadala iyon sa Cagayan, at saka hindi ko rin alam kung saan ibibigay pagdating doon, kaya ang naisip ko nga kung ano man ang makukuha ko, at iyong ibibigay ng iba, padaanin na lang namin sa mga charitable institution na may kakayahang magpahatid ng tulong. That way hindi mahirap, hindi pa kami mapagbibintangan ng kung ano dahil sa ginagawa namin. Puwedeng padaanin iyon sa church o ano mang religious organizations,” ani Sunshine.

Bilang panimula, tatawagan muna niya ang mga pinsan niya at mga pamangkin na kung gusto ring tumulong ay magsama-sama na sila sa kanilang gagawin.

Hindi man sabihin, siguro nga umiiwas din naman si Sunshine sa mga tsismis, at baka kung saan pa niya maipahatid ang tulong niya eh ma-red tag pa siya. Eh sa totoo lang naman gusto lang niyang makatulong. “Kasi ngayon ang ginagawa ng mga artista, inihahalo nila sa politika eh, wala naman kaming ganoong intention,” dagdag pa ng aktres.

“Isa pa, hindi rin naman siguro kami makapagbibigay ng napakarami, at kung kami pa ang magdadala niyon baka sabihin pang dumidisplay pa kami. Alam mo naman kung minsan ang mga tao. Kaya mas mabuti iyong tumulong ka ng low profile lang. Hindi na nila alam iyon, basta ikaw sa sarili mo, alam mo na kahit paano ay nakatulong ka. Katungkulan mo iyon sa kapwa tao mo,” sabi pa ni Sunshine.

Sana nga mas dumami pa ang mga taong kagaya ni Sunshine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …