Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Legal Wives, kasado na; Dennis, pag-aagawan nina Alice, Andrea, at Bianca

SUMALANG na sa look test ang cast members ng inaabangang bigating Kapuso teleserye na Legal Wives. Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na makakapareha niya ang naggagandahang aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.

Abangan din sa Legal Wives ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman.

Makakasama rin sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

Paano nga ba mapapanatili na payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya? Abangan ‘yan at ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa Legal Wives, soon on GMA Telebabad!

Maricris Valdez-Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …