Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko at Wendell, ‘di na-link kahit madalas magkatrabaho

LUCKY charm nina Prima Donnas stars Aiko Melendez at Wendell Ramos ang isa’t isa. Bata pa lang ay magkaibigan na ang dalawa dahil sa kanilang manager noon, ang namayapang si Douglas Quijano.

Tanong tuloy ng netizens, sa tagal na nilang magkakilala, bakit nga ba hindi sila na-link sa isa’t isa?

Paliwanag ni Aiko, “Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Wendell, mga bata pa lang tayo, ‘di ba?”

Sey pa ni Wendell, “Yes, at saka noong una ko pa lang pagpasok sa industriya natin, sa showbiz, ang una ko pong kaibigan na artistang babae talaga, at kumausap sa akin kahit pagkatapos noong kumuha siya ng award, naalala mo ‘yun? Aiko Melendez ka na noon, eh.”

“Grabe naman ‘to, magkasing-edad lang tayo halos,” natatawang sagot naman ng aktres.

Suwerte rin sila dahil sa nagtatagal ang mga teleserye na kanilang pinagsasamahan kagaya ng Prima Donnas. “Laging ‘pag nagsasama kami ni Wendell, sobrang tumatagal ‘yung mga show.”

Noong Oktubre 18 ay natapos na ang 21-day lock-in taping ng cast and crew ng Prima Donnas. Kaya naman inaabangan na ng fans ang nalalapit na pagpapalabas ng fresh episodes ng serye.

Samantala, patuloy namang napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …