Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, ‘di mapipigil sa paghahatid ng mga kuwento

MASUSUBAYBAYAN kong muli ang isa sa paborito kong Journalist sa telebisyon na si Korina Sanchez.

Alas kuwatro tuwing Sabado ng hapon pala eh, mapapanood na ang Rated Korina na ipino-produce ng Brightlight Productions na parte sina Atty. Joji Alonzo at Patricia “Pat-P” Daza sa TV5.

Palagian namang interesante ang mga paksang tinatalakay ni Korina sa kanyang programa kaya nga naging habit-forming na ito sa bawat household. Lalo na kung horror at suspense ang ibabahagi niya sa manonood.

Bunga ng malalimang saliksik sa mga paksa, para ngang mahirap na pigilan si Korina na magpatuloy sa paghahatid niya, hindi lang ng balita kundi ng mga kuwento sa bawat tahanan.

Kaya, nang humarap si Korina sa mga piling press in a mediacon, hindi naitago ang excitement nito sa kanyang pagbabalik at sa pagkakataong ito, sa TV5.

Inunahan na nga noon ng mga balita ang paglipat niya ng estasyon. Pero nanahimik muna ang premyadong brodkaster.

Wala namang masamang tinapay kay Korina at sa Kapamilya. Dahil maayos naman siyang nagpaalam dito. Tumitingin si Korina sa positibong ibubunga ng muli niyang pag-alagwa sa telebisyon. Dahil kaakibat nito ang mga adbokasyang isinusulong niya sa pagtulong sa mas marami pang mga tao. Lalo pa’t marami ang nawalan ng trabaho sa pagkawala ng prangkisa ng naturang network.

Kakaiba at sabihin ng hindi ordinaryo ang mga istoryang nakakalap ng kanyang mga staff para maghatid ng tututukang palabas sa madla.

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …