SA dumating na pandemya, maraming bagay ang nabuksan sa isip at puso ng mga tao.
Ang fashion designer na si Avel Salvamente Bacudio ay nagawang maging creative sa kabila ng pagkakakulong sa kanyang mundo, gaya ng lahat sa atin, dahil sa paglaganap ng Covid-19.
Nakapag-disenyo siya ng sari-saring PPEs na tinangkilik ng mga tao, lalo na ng pwede na itong mabili online.
At sa libre niyang oras, nagkaroon pa ito ng panahon para makagawa ng mga video na tila social experiment na sumakay siya sa karakter na Berta, na lumalaboy sa kalsada.
At tumulong din siya sa ilang baguhan na nagsipasok sa mundo ng showbiz.
Eto ngayon ang take ni Avel sa pag-andar ng mundo. As is. As spoken sa kanyang FB page.
“Kanya kanyang opinyon, kanya kanya saloobin at kanya-kanyang hugas kamay…
“Sa dami dami ng hirap at pangungutya na pinagdaanan ko lahat yata ng mga salita na masasakit narinig ko na ,kasama mo sa kong anong propisyon na kinagagalawan mo..
“mga kaibigan .. minsan ipipikit mo na lang mga mata mo at ilabas sa ka ilang tinga, kasi pag pinatulan mo mas kawawa ka dahil hindi mo maiintindihan ang sinasabi nila kasi wikang banyaga,..minsan ang pagbigkas mo ng salita napapansin pa din, (hindi po ako tubong maynila kaya meron tunong bicol ang aking pananalita) minsan harapan .. tatalikod ka na lang kahit masama loob mo.
“NGAYON NAG KAROON NG PANDEMYA halos ilang buwan na … hindi ko maiwasan ang mga taong minsan ng nangutya sa pagkatao ko, naiisip ko na sa harap ng kasalukayang kinakaharap ng buong mundo, bagkus na magtanim ng sama ng loob, IPAGDADASAL ko na lang sila na sana MAAYOS ANG KANILANG KALAGAYAN AT MERON PAGKAIN SA HAPAG KAINAN..
“Hindi lahat ng tao na kahit pinapakita mo ang tunay mong pagkatao ay NEGATIBO pa din ang tingin sayo,PERO LALAGPASAN YAN NG MGA TAONG NANINIWALA SAYO AT POSITOBO SAYO SA LAHAT NG ASPITO NG PAGKATAO MO, mas masaya na meron kang iilang kaibigan na minahal ka kong sino ka, mali mali man ang pagbigkas mo ng wikang banyaga pero hindi na nila pinapansin yon dahil basta alam mo na galing sa puso ang sinasabi mo at MINAHAL KA NILA KONG SINO ka.
“Hindi mo kilangan ang mga bituin sa langit para bigyan ka ng kinang, dahil ang kinang na bituin ay hindi tumatagal sa isang lugar, minsan na iyo ang kinang.. sa isang umaga sa ibang lugar na naman kikinang.
“NATUTUNAN KO SA BUHAY at sa pinagdaanan ko, KONG HINDI MAN ANG PANAHON NA PARA SA IYO , MAG ANTAY KA LAMANG, KONG MERON MGA TAONG NEGATIBO SA IYO GAWING MONG SANDATA PARA LUMABAN SA BUHAY dahil lilipas din yan, WAG KANG MAGTANIM NG SAMA NG LOOB, dahil negatibo yan sa puso mo, BAGKUS MAHALIN MO SILA at IPAGDASAL DAHIL DARATING ANG ARAW , naging MABUTI KANG TAO AT MATANGUMPAY KA DAHIL SA KANILANG MGA NEGATIBONG PANANAW, isapuso mo kong sino ka at saan ka galing, wag na wag mong kakalimutan SINO ANG MGA TAONG HANGGANG NGAYON NANINIWALA PA DIN SAYO️”
‘Ika nga, from the heart ang mga hugot na binitawan ng pamosong designer.
Parang napuno. Na may kailangan lang ibuga. At ihinga.
Sana nga, naibsan na ang sama ng loob niya!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo