Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie sa pagiging vocal na magkasama sila ni Jake– I hope people respect our decisions… kasi we’re already of age

IDINAAN na lang sa tawa ng ilang katoto ang mga reaksiyon ni Kylie Verzosa na sa tuwing tatanungin siya sa ginanap na virtual mediacon para sa TV series na Ghost Adventures Season 2 kasama sina Benjie Paras, Andrew Muhlach, at Empoy Marquez sa lagi niyang sambit, “grabe naman mga tanong n’yo!  Nasa hot seat ako. Oh my God, ang questions n’yo, huh?”

 

Inisip na lang din namin na baka nagbibiro lang si Kylie para mawala ang nerbiyos niya dahil sabi niya, pinagpapawisan siya sa mga tanong.

 

Anyway, natanong namin ang dalaga kung ilang buwan silang magkasama ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa iisang bubong sa panahon ng lockdown.  Naka-post kasi sa kanilang social media account na magkasama sila ng panahong iyon.

 

Bungad sa amin ng aktres, “Grabe ang mga tanong!” Sabay sabing, “for a period, we decided to stay together.”

 

May mga nadiskubre ba siyang ugali pa ni Jake sa ilang buwan nilang pagsasama?

 

“Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog.

 

“Grabe naman kayo! Feeling ko maqu-quote n’yo na naman ako, joke!  Feeling ko 2 to 3 months kasi quarantine ‘yun, eh, MECQ tapos nalaman naming mag-e-extend pa ‘yung quarantine,” pag-amin ni Kylie.

 

Pero ngayon ay kanya-kanyang unit muna sila pero magkalapit naman daw ang tirahan nila.

 

“Magkalapit lang din ng building,” sambit ng dalaga.

 

May sumunod na nagtanong na masyadong vocal na ngayon si Kylie sa pag-aming magkasama sila ni Jake. Ano ang gusto nitong ibahagi sa mga tao ng kagaya niyang liberated at truthful. Pero siyempre bilang beauty queen ay marami na rin siyang achievements at influential sa pageant fans at sa mga kabataan.

 

“I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are today, so I think, I guess ma-respect ng tao our decisions kasi  we are very independent people who just trying to be the best version of ourselves. We’re not trying to hurt anyone, we’re just have fun with our lives and I think, hindi na kami teenybopper, hindi na kami younger 20’s. I hope people respect our decisions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” katwiran ng dalaga.

 

Sundot pa ng nagtanong na dapat daw ipaintindi sa mga hindi nakaiintindi tungkol sa sitwasyon ngayon nina Kylie at Jake.

 

Nagulat ang ilang katoto dahil sino ba ang mga taong hindi nakaiintindi, eh, hindi naman na bago ngayon ang magkasintahan o magkarelasyong nagsasama sa iisang bubong?

 

Sabi pa ni Kylie, “tama naiinis kasi ako roon parang ano bang pakialam n’yo, ‘di ba? Para sa akin pakialam n’yo ba? Ganoon ako mag-isip, eh, so what!”

 

Anyway, sa new normal taping ngayon na naka-lock in ang mga artista ay inamin ng aktres na mas pabor siya dahil hindi sila masyadong pagod na mga artista.

 

“Para sa akin mas madali ‘yung new normal na shoot dahil usually kasi ‘di ba ‘yung mga location namin 1 to 2 hours away so magigising kami mga 3 o 4 a.m. para makapunta sa set ng 2 hours’ o 1 hour, so ‘yung biyahe nakakapagod.

 

“So ito (Ghost Adventures) kapag lock in, 12 to 14 hours lang kasi so mas madali para sa artista hindi mo rin nabibitawan ‘yung character mo, especially kung mabigat tapos magigising ka na lang sa set aayusan na kayo, wala ng travel time kasi nakakapagod talaga ‘yung travel time for me. Kaya mas madali sa akin, mas gusto ko nga ‘yung lock-in na taping na taping at nakakasama ko rin ‘yung cast members so, mas masaya para sa akin,” pahayag ng dalaga.

 

Abangan ang karakter ni Kylie bilang si Luna sa Ghost Adventures Season 2 na concept ni Benjie at pinuri ng aktor ang dalaga dahil mahusay. Mapapanood na ang comedy horror simula sa Oktubre 31, Sabado 6:00 p.m. sa TV5 handog ng Viva Entertainment at Sari-Sari na idinirehe naman ni GB Sampedro.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …