Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay Marquez, wa-ker kung nagparetoke ng ilong at lips

MAY nagsasabing niretoke raw ang ilong ni Teejay Marquez. May nagsasabing pati lips niya niretoke. May nagsasabi ngang pati katawan ipinaayos. Eh ano ba pakialam ninyo kung ano ang ginagawa niya sa katawan niya? Katawan naman niya iyon eh.

 

Hindi rin naman niya itinatago. Minsan nagkuwento siya sa amin na sumailalim siya sa operation, pero iyon ay mahalaga hindi lamang para ma-improve ang hitsura niya kundi para mai-correct ang isang body defect niya. Maayos naman ang kinalabasan at mas naging healthy siya, kaya walang problema.

 

Mayroon pang sinasabi ang mga basher ni Teejay, hindi totoo ang screenage niya. Ipagpalagay natin, pero mukha ba naman siyang napakatanda? Baka nga hindi maniwala ang iba na matured na siya dahil sa hitsura niya eh.

 

Lahat iyan siguro bumabagsak lamang sa mga taong inggit sa kanya, o roon sa mga taong may ibang intensiyon sa kanya na hindi niya pinapansin. Siyempre nagagalit at dumarating na roon sa punto na gumagawa na ng kuwento para siraan siya.

 

Pero alam naman ni Teejay, ganyan talaga ang buhay ng isang artista, kaya ano man ang marinig niya, hindi na lang niya pinapansin. “After all hindi ko naman sila mga kaibigan,” sabi pa ni Teejay.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …