Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, close kay Gabby pati sa mga kapatid sa ama

VERY proud ang actor na si Gabby Concepcion, dahil ang anak niyang panganay na si KC Concepcion ay matagal nang ambassador of goodwill ng UN Food Program, at nagkataong sa taong 2020, ang food program ng UN ang siyang binigyan ng Nobel Peace Prize. Natural, bilang isang ambassador of goodwill, bahagi ng karangalang iyon si KC.

 

Nakita naman agad ni KC ang post na iyon ni Gabby at nagpasalamat siya sa ginawang pagbati sa kanya ng tatay niya.

 

Pero hindi na iyong UN Food program ang tatalakayin namin. Ang papansinin lang namin ay iyong katotohanang napakaganda ng relasyon ni KC at ni Gabby. Kung sabagay, mag-tatay iyan eh, pero matagal na panahon silang magkahiwalay at hindi nagkakasama. Buong panahon ng kabataan ni KC, hindi sila magkasama ni Gabby, at 13 taon pang nawala si Gabby sa bansa, matapos na masangkot sa isang scam.

 

Pero noong magbalik si Gabby, ang nangyari ay nanaig ang pananabik ni KC sa tatay niya. At kapansin-pansin din, mas malapit si KC at mas nakaka-identify yata sa mga kapatid niya sa ama. Mas madalas na mabalita, maski na sa social media lang na may bonding sina KC, Garie, at Chloe. Siguro kasi sila ang halos magkakasing-edad. Iyon namang dalawa pang anak ni Gabby ay maliliit pa.

 

Pero nakatutuwa iyang pagiging close ni Gabby sa kanyang mga anak, at pagiging close naman ng kanyang mga anak sa isa’t isa. Hindi man sila talagang nagkakasama-sama, naroroon pa rin ang isang matibay na bond.

 

Sana lahat ng mga magkakapatid ganyan. Pero nasa pagpapalaki at attitude na iyan kasi ng mga magulang eh.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …