APROBADO sa committee level ng Senate ang ‘proposed budget’ ng Philippine Sports Commission (PSC) sa naging virtual hearing nitng isang araw na pinangunahan ng Chairperson ng Committee on Sports, Senator Christopher “Bong” Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.
Sa opening statement ni Go, pinuri niya ang PSC sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa katatapos na 39th Southeast Asian Games. “We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” pahayag ng Senador.
Sina Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez ang kumatawan sa PSC, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy para ipresenta ang ‘breakdown’ ng proposal na may total na P207 milyon na dumaan sa pag-aaral at aprubado ng Department of Budget Management.
Ang magiging gastos sa preparasyon at partisipasyon para sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na nagkakahalaga ng P250 milyon, kasama ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor at Martial Arts Games, Asian Youth Games at Asian Beach Games ay hinahanapan ng hiwalay na proposal.
Nakatuon si Go kung paano makakahanap ng paraan para tulungan ang ahensiya sa ginagampanan nitong trabaho para sa national team. Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan sa nangyayaring kaganapan na may kaugnayan sa preparasyon para sa National Academy of Sports.
Kahanay din na lumahok sa virtual hearing si Games and Amusement Board Chairman Baham Mitra na naroon para ipresenta ang kanilang proposed budget.
Ang Plenary deliberations ay isusunod agad sa itatakdang iskedyul na iaanunsiyo.
(Public Communications Office)