Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

4 lolang nagkakape todas sa pick-up ng 62-anyos driver

APAT na lola, pinakabata ang 65-anyos sexagenarian, isang septuagenarian, at dala­wang octogenarian, ang hindi nakaligtas sa kamatayan, nang banggain ng pick-up na nawalan ng preno at sinabing mina­maneho ng isang 62-anyos driver, habang nagkakape sa isang tindahan sa Barangay Bae, Jimalalud, Negros Oriental nitong Miyerkoles ng umaga, 7 Oktubre.

Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Milagros Garsula, 82 anyos, ng Barangay Bae; Lydia Garsula, 80 anyos, at Remedios Fabillar, 65 anyos, kapwa mga residente sa Barangay Panglaya-an; at Herminilda Gantalao, 76 anyos, ng Barangay Tamao.

Nabatid na minamaneho ng 62-anyos negosyante ang pick-up truck na si Robert Lim, residente sa Barangay North Poblacion, sa naturang bayan.

Ayon kay P/CMSgt. Edilberto Euraoba III, Negros Oriental police public information officer, nabatid sa kanilang imbestigasyon na nagkakape ang mga biktima sa harap ng tindahan nang mangyari ang insidente kung saan tumilapon sa kalsada at sa kanal ang mga biktima.

Dinala ang dalawa sa mga biktima sa Jimalalud Rural Health Unit, ngunit idineklarang dead-on-arrival, gayundin ang dalawang iba pa na dinala sa Guihulngan City District Hospital.

Samantala, dinala si Lim sa isang pribadong ospital sa Ace Medical Doctors Hospital sa lungsod ng Dumaguete.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …